Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Halimbawa ng Konkreto at Di Konkretong Pangngalan
Ang konkreto at di konkretong pangngalan ay ang dalawang uri ng pambalana. Ang ilang halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod:
Konkretong Pangngalan
- sapatos
- libro
- pinggan
- tinapay
- lapis
- asin
- itlog
- ibon
- pusa
- kalan
- tubig
- isda
- telebisyon
- walis
- kurtina
Di Konkretong Pangngalan
- katapangan
- kapayapaan
- talino
- kasipagan
- kagandahan
- enerhiya
- buhay
- tiwala
- katapatan
- dedikasyon
Ano ang pambalana?
Ang pambalana ay isang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay hindi tiyak o partikular. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik. Ang dalawang uri nito ay konkreto at di konkreto.
Ang konkretong pangngalan ay ang uri ng pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ginagamitan ito ng pandama upang bigyan ng pansin. Ang di konkretong pangngalan naman ay ang uri ng pambalana na nararamdaman lamang. Hindi ito nahihipo o nahahawakan.
Ano ang pantangi?
Ang pantangi naman ang isa pang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa isang tanging tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay tiyak at partikular. Ito rin ay nagsisimula sa malaking titik. Narito ang ilang halimbawa:
- Boracay
- Jose Rizal
- Ati-Atihan
- Mongol
- Toyota
- Nike
- Manila
- Samsung
- Alaska
- Colourette
Kayarian ng Pangngalan:
https://brainly.ph/question/1746425
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.