IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Lantay-Ito ang karaniwang anyo ng pang-uri. Ginagamit ito kung isa lamang ang pangngalan o panghalip na binibigyang-turing
Halimbawa :
MASIGASIG ang kabataan ngayon sa pag aaral
Pahambing- ginagamit ang pang-uring ito sa paghahambibg o pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.Ito ay may dalwang uri ..ang magkatulad at di-magkatulad.
Magkatulad- ang dalawang pangngalang pinaghahambing ay magkapareho lamang ang antas.
Halimbawa:
SINGHUSAY ni michael si bong sa paglikha ng kanta
Di-magkatulad: ginagamit ito kung ang pangngalan o panghalip na pinaghahambing ay magkaiba o magka salubgat ang katangian.
Halimbawa:
Sa palagay ko MAS MASUNURIN ang mga kabataan noong nakaraang mga dekada kaysa sa mga kabtaan ngayon.
Pasukdol - ginagamit ito kung ang pangngalan o panghalip na binibigyang turing ay nasa pinakamataas na antas
Halimbawa:
LUBHANG MAGALANG ang mga batang pinalaki sa pagmamahal at pag-aaruga
Mappansin mo po pag pasukdol na mayroon siyang napaka,pinaka, ubod ng
At marami pang iba...
Sana po makatulong :))
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.