IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Ang Asya ay isang malaking kontinente. Ito ang dahilan kung bakit ang klima dito ay paiba iba dedenda sa lugar. Narito ang mg a klima ng bawat rehiyon sa Asya:
Kanlurang Asya
Ang klima sa Kanlurang Asya ay mainit at tuyo. Dahil na rin sa taas ng temperatura, ang lupa roon ay hirap na makagpagpanatili ng tubig na makakabubuhay sa anumang uri ng halaman o puno. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya’t sikat ang parteng ito ng Asya sa kanilang mga disyerto. Kung uulan man, ito ay nararanasan lamang ng mga lugar na mapit sa dagat.
Hilgang Asya
Dito sa rehiyong ito ng asya ay mahaba ang nararanasang taglamig na umaabot ng anim na buwan. Bagaman matagal ang taglamig, nakararansan rin sila ng tag-init ngunit sa maikling panahon lamang.
Timog Asya
Ang klima sa rehiyong ito ng Asya ay paibaiba. Tuwing buwan ng Hunyo hanggang Setyembre, dito ay mahalumigmig. Tuwing Disyembre hanggang Pebrero, ditto naman ay taglamig. Samantalang sa buwan ng Marso hanggang Mayo, ditto ay tag-init.
Timog
Silangan
Ang mga bansa sa rehiyong ito ay nakararanasan ng tropical na klima. Tulad sa Pilipinas, nakararanas ng tag-init at tag-ulan sa isang taon ang mga bansang parte ng Timog Silangan.
Silangang Asya
Ang klima dito ay tinatawag na Monsoon Climate. Paiba iba ng nararanasang panahon dito sa rehiyong ito dahil na rin sa lawak ng sakop nito. Mainit sa ibang bahagi at nagyeyelo sa ilang bahagi.
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.