Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Limang Pangungusap na may Panghalip Pamatlig
- Ito ang bag na regalo sa akin ni nanay noong aking kaarawan.
- Iyon ang tirahan ng kaibigan kong si Bert.
- Iyan ang aklat na matagal ko nang hinahanap.
- Ganito ang relo na gusto ni tatay.
- Doon mo makikita ang hinahanap mong palaruan.
Panghalip
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay isang bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili o pamalit pangngalan (ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari).
Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit bilang panturo, ito ay itinatawag na demonstrative pronoun sa wikang Ingles.
Halimbawa:
- Ito
- Iyon
- Iyan
- Ganito
- Ganoon
- Doon
- Diyan
Iba pang Pangungusap na may Panghalip Pamatlig
- Ganoon ang gusto kong makuhang regalo sa aking kaarawan.
- Diyan ako galing noong isang araw.
- Ito ang paborito kong damit.
- Iyon ang paaralan na aking pinapasukan.
- Iyan ang ulam na niluto ni nanay para sa aming tanghalian.
- Ganito ang proyekto na pinagawa sa amin ng aming guro sa Matematika.
- Doon ako nakatira.
- Diyan kami naglalaro ng aking mga kaibigan tuwing hapon.
Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa Panghalip at mga Halimbawa nito, magtungo sa mga link na nasa ibaba:
brainly.ph/question/444199
brainly.ph/question/396595
#BetterWithBrainly
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.