IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

surrin ang elemento ng binasang tulang ang aking pag-ibig by alfonso santiago


Sagot :


Suriin ang elemento ng binasang tulang ang aking pag-ibig by alfonso santiago

Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.


Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.


Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.


Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.


Mga elemento ng tula: sukat, saknong, tugma, kariktan, talinhaga

Sukat- lalabindalawahin

Saknong- 4 linya: quatrain

Tugma- tugma sa katinig (di-ganap)     -Ikalawang lipon

Kariktan-
Taimtim: malalim; matindi
Mabatid: malaman

Talinhaga
           -Lipad ng kaluluwang ibig na marating                        
            Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Alamin kung ano-ano ang mga elemento ng tula:
https://brainly.ph/question/877336