IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng greece at rome


Sagot :

PAGKAKAPAREHO AT PAKAKAIBA NG GREECE AT ROME

Pagkakapareho ng Greece at Rome:

  • Sa larangan ng heograpiya pareho silang pinalilibutan ng mga anyong tubig.
  • Pareho silang tinawag na kabihasnang klasikal at naabot ang tugatog ng kaunlaran.
  • Nagkaroon ng malaking ambag sa politika. Sa Greece nagsimula ang pamahalaang demokratiko, samantala nagsimula naman ang batas sa Rome.
  • Nagkaroon ng ambag sa arkitektura gaya ng Colossus of Rhodes sa Greece at ang Colosseum sa Rome.
  • Parehong may ambag sa panitikan, kaisipang pilosopiya sa Greece samantalang Odyssey at comedy sa Rome.

Pagkakaiba ng Rome at Greece:

  • Ang Greece ay may pamahalaang demokratiko samantala sa Rome ay Republikang Romano.
  • Sa Rome ay may dalawang uri ng tao sa lipunan (plebeians at patricians).
  • Ang Greece ay binubuo ng mga lungsod estado (Sparta at Athens) sa Rome ay wala.
  • Ang Rome ay pinamumunuan ng mga diktador at konsul. Sa Greece, ang pinuno ay tinatawag na Archon.
  • Sa Greece ang kapangyarihan ay nasa nakakarami (majority), samantalang sa Rome ay ang mga patricians lamang ang may kapangyarihan at may kakayahang mahalal konsul.

^_^

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.