IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ano ang ibig sabihin ng mabuti?

Sagot :

Answer:

Mabuti

Ang mabuti ay ang paggawa ng mga bagay ng tama at naayon para sa sarili at para sa kabutihan ng lahat. Ang pagkakaroon ng isang maayos at payapang pamumuhay ay bunga ng pagiging isang mabuting taong may takot sa Diyos. Isang halimbawa ng pagiging mabuti ay ang pagiging mabait.

Paano masasabi na mabuti ang isang tao?  

  • Kapag ang isang tao ay may takot sa Diyos  
  • Kapag ang isang tao ay may pagmamahal, paggalang at pagmamalasakit sa kanyanng kapwa  
  • Kapag ang isang tao ay kusang loob at handang tumulong sa kapwa at sa lahat ng mga taong nangangailangan ng walang hinihingi at hinihintay na kapalit  
  • Kapag ang isang tao ay may malinis na konsensya  
  • Kapag ang isang tao ay marunong magdasal at magpasalamat  
  • Kapag ang isang tao ay pinipili ang pagsasabi ng katotohanan kaysa kasinungalingan  
  • Kapag ang isang tao ay sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Diyos  
  • Kapag ang isang tao ay sumusunod sa mga batas at mga patakaran ng pamahalaan  
  • Kapag ang isang tao ay nakikiisa at nakikipagtulungan para sa kaunlaran ng lipunan  
  • Kapag ang isang tao ay pinipili ang paggawa ng mabuti para sa kapwa at para sa lahat  

Bilang isang tao, palagi nating piliin ang maging mabuti at magpakabuti sa lahat ng oras at pagkakataon dahil ito ang utos at turo sa atin ng Panginoon na nagbigay ng buhay sa atin.  

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:  

Mabubuting Gawain: brainly.ph/question/2023155  

Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapwa? Ano-ano ito?brainly.ph/question/1148460  

Ano ano ang mga mabubuting gawain na nagpapakita ng konsensya? brainly.ph/question/1099753  

Ano-ano ang paggawa ng mabuti sa kapwa?: brainly.ph/question/1415924  

#BetterWithBrainly