Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat-etnikong Pilipino. Pangunahin na naninirahan sa Kabisayaan, mga timugang kapuluan ng Luzon, at maraming bahagi ng Mindanao. Sila ang pinakamalaking pangkat-etniko sa paghahating heograpikal ng bansa kung ituturing bilang iisang pangkat, na bumibilang ng halos 33.5 milyon. Malawakang nakikibahagi sila ng kulturang pandagat na may malakas na tradisyon ng Romano Katoliko na pinagsamahan sa mga elemento ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga siglo ng pakikipag-ugnay at kapwa pandarayuhan lalo na sa mga dagat ng Kabisayaan, Sibuyan, Camotes, Bohol, at Sulu; at sa mga iilang liblib na lugar ay pinagsamahan sa mga sinaunang impluwensyang animistiko-politeyistiko (hal. Katutubong Katolisismo). Karamihan ng mga Bisaya ay nagsasalita ng isa o higit pang mga wikang Bisaya, ang pinakasinasalita rito ang Sebwano, kasunod ng Hiligaynon (Ilonggo) at Waray-Waray.[2]
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.