Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

bakit kailangang isaalang alang ang mga kapakanan ng iyong kapuwa kapag gumagamit ka ng mga pasilidad na ito​

Sagot :

Answer:

Dahilan kung bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa ating pagkilos

Bago kumilos o gumawa ng aksyon ang isang tao kinakailangan na isaalang-alang muna nito ang kapakanan ng kapwa upang maiwasan ang makasakit ng ibang tao. Hindi maaring padalos-dalos tayo ng pagkilos dahil may kapwa tayo na maaring mapahamak sa gagawin nating pasiya o desisyon. Kaya sa paggawa ng kilos, isaalang-alang muna natin ang ating kapwa, suriin muna natin kung makabubuti o makasasama ito sa kanila. Kapag nasuri na natin ito at makatutulong para sa atin at sa ating kapwa, gawin natin kung sa tingin naman natin ay makasasama at may masasaktan tayo baguhin o palitan natin ang ating gagawing kilos. Palagi nating piliin ang lahat ng makabubuti sa ating kapwa hindi lang ang para sa ating sarili.

Batayan sa pagbuo ng kilos

Layunin ng gagawing kilos

Makabubuti dapat sa lahat ang gagawing kilos

Magiging bunga o resulta ng kilos

Makakapagpasaya ba sa tao ang gagawing kilos

Ang pagkakaroon ng mabuti at mapanuring pag-iisip ang kailangan pairalin ng isang tao upang makakilos siya ng may moral at pagpapahalaga sa kabutihan. Sa pamamagitan nito, dadalhin nito ang isang tao upang kumilos ng mabuti at maayos para sa ikabubuti ng kapwa, ang pagkakaroon ng moral na pag-uugali ang gagabay sa isang tao upang mamuhay ng payapa kasama ang kanyang kapwa na makatutulong sa pagpapaunlad ng bayan at ng lipunan.

Explanation: