IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Answer:
Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete
Sa isla ng Crete umusbong ang kabihasnan ng Minoan. Mabilis na umunlad ang pamumuhay ng kabihasnang Minoan sa pamumuno ni Haring Minos dahil sa heograpiyang katangian nito. Nang dahil sa lokasyon nito na napapalibutan ng karagatan, naging madali ang paraan ng pakikipagkalakalan sa mga kalapit na teritoryo. Ang naging pangunahing produkto ng mga Minoan ay ang palayok na yari sa luwad at mga tanso na ginawang sandata. Ipinagpapalit nila ito sa mga butil ng pagkain, ginto, at pilak.
Sa kasalukuyang panahon, ang isla ng Crete ay ang tinaguriang pinakamalawak at pinakamataong isla na kabilang sa mga Griyegong isla.