Edukasyon sa Pagpapakatao
Tuklasin
Gawain 1:
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod gabay ang mga tanong sa ibaba:
A. Langgam
B. Gagamba
C. Tao
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ang langgam, gagamba, at tao ay nagkakaiba ng layunin sa kanilang pagtahak sa buhay subalit may kani-kanyang kahalagahan na ginagampanan ang bawat isa. Ang mga langgam ay nabubuhay upang makapag-imbak ng pagkain sa panahon na sila ay hindi maaaring makibaka sa labas. Ang gagamba naman na isang araknid ay naghihintay lamang ng mga naliligaw na insekto upang kainin sa kanyang sapot o pugad nito. Ang tao naman ay gumagawa o naghahanapbuhay upang makaipon ng pera na gagamitin na pantustos sa mga kailangan o pangangailangan sa araw-araw.
2. Biniyayaan tayo ng Diyos ng puso at isip noong tayo ay nilikha. Ang bawat isa ay ipinanganak na may natatanging kapalaran. Magkakatulad tayo ng mga layunin ngunit magkakaiba ang paniniwala kung paano ito isasakatuparan. Ang tao ang magbibigay daan para sa kanyang sariling katuparan at pagsasakatuparan. Mayroong iba't ibang mga diskarte sa pag-iisip tungkol sa sariling kakayahan at kaisipan.
3. Ang mga tao, sa lahat ng nabanggit, ay ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa. Ang mga langgam, gagamba, at mga tao ay may kanya-kanyang paraan nang pagtatrabaho upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga tao, sa kabilang banda, ay nagpapakita ng lalim ng trabaho dahil sila lamang ang makakakumpleto ng maraming aktibidad na nangangailangan ng kanilang utak at lakas upang mapagtagumpayan ang pagganap sa paggawa.
Reymark R. Bumatay
Bayambang National High School