Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

May mga kultura sa kanilang bansa na makikita sa ating bansa tulad ng

Sagot :

Answer:

Answer:KULTURA

Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradiyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.

WIKA

Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinkamaraming wika sa buong daigdig.

FILIPINO VALUES

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa kahit hindi kilala. Ang pagiging masayahin, palagiang pagngiti at pagiging positibo sa buhay ay kilala rin. Tayo ay magiliw sa mga pangunahin at tinatanggap natin sila ng malugod. Relihiyoso tayong mga Pilipino, mayroong malalakas na pananampalataya sa Diyos.

TRADISYON/KAUGALIAN

Pagtitiwala sa Maykapal- Malaki ang ating tiwala sa Poong Maykapal. Naniniwala tayo sa mga biyaya at patnubay ng ating Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa mga biyayang Kanyang ibinibigay araw-araw. Nagdarasal tayo na pangalagaan Niya tayo.

Pagbubuklod ng mag-anak- Malapit sa isa't isa ang bawat kasapi ng mag-anak na Pilipino. Matibay ang pagbubuklod-buklod ng ating pamilya. Madalas dumalaw ang mga anak sa mga magulang kahit na nag-asawa na sila.

Pagkamatulungin- Ang bayanihan o palusong ang tawag na iba rito. Ang pagtutulungang ito ay isang katangi-tanging ugali natin. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Sama-sama tayong nagtutulungan sa pagtatanim upang maging masagana ang ating ani.

Paggalang- Ang bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Siya ay ating pinakikitunguhang mabuti. Katulad nalang ng mga matatanda, nagmamano tayo sa kanila. Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita gaya ng po at opo. Gumagamit tayo ng mga magagalang na pantawag tulad ng ate, kuya, manong o manang.

Malugod na pagtanggap ng bisita- Ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa ay nakikita rin sa ating mabuting pagtanggap sa mga bisita. Ibig nating masiyahan sila. Pinapakain natin sila ng meryenda o anumang pagkaing ating naihahanda. Kung sila'y galing sa malayong lugar, inaanyayahan natin silang matulog sa ating tahanan. Minsan, nagpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis.

Pag-alala sa mga yumao- Ang pag-alala sa mga yumao na mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadasal sa kanila ay nakaugalian na rin at marami pang iba.

PANINIWALA

Sa kusina:

-Bawal kumanta sa harap ng kalan dahil may masamang mangyayari.

-Bawal kumanta sa hapag-kainan dahil simbolo ng hindi pagrespeto.

-Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon dahil ito'y dahilan ng kamalasan.

Sa kasal:

-Bawal isukat ang damit pangkasal dahil maaaring hindi matuloy ang kasal.

-Bawal magkita ang magkapareho bago ang araw ng kasal dahil maaaring mamatay ang isa sa kanila.

-Kapag umulan sa araw ng kasal ito'y simbolo ng kaswertehan.

SINING

Noon pa man mayroon na tayong tinatawag na sining , hindi pa man tayo sinasakop ng mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay may mga kontribusyon na sa sining.

RELIHIYON

Ang bansang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming relihiyon. Tulad ng Roman Catholic, Born Again, Baptist, Iglesia ni Cristo, Jehova Witnesses, at iba pa. Ang ay isa sa dalawang Katolikong bansa sa Asya (ang isa pang Katolikong bansa ay East Timor pero ibang parte nito ay nasa Oceania). Ayon sa Artikulo III Seksiyon 5 ng Saligang Batas ng 1987 malaya ang mga Pilipinong pumili ng sariling relihiyon.

KASUOTAN

Baro't Saya- ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdah ang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.

Barong Tagalog- ay isang binurdahang pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotan ng lalaki sa Pilipinas. Unang tinawag na Barong Tagalog.

Explanation:

Yan po ang tamang sagot sa katanungan nyo

paki Brainliest na din po salamat