IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Si Tony Meloto ay nakilala bilang isang negosyante maliban sa kanyang negosyo ay may iba pa siyang pinagkaabalahan at iyon ay ang itinatag niya ang “Gawad Kalinga o GK” na hanggang ngayon ay nagpamalas ng kabutihan sa kanyang kapwa Pilipino at sa buong mundo. Layunin ng Gawad Kalinga ang mamigay ng libreng tahanan upang mabawasan ang bilang ng mga mahihirap na nakatira sa squatters/slum area. At sa tulong ng mga nagboluntaryong mamamayan at mapagkalinga sa kapwa ay magkasama silang nagtutulungan upang masolusyonan ang kahirapan sa bansa. Malaki ang kanyang paniniwala na may magagawa ka para makatulong sa mga maralita o sa mas higit na nangangailangan. Mga tanong:

1. Ano ang mahalagang nagawa ni Tony Meloto sa kanyang kapwa?
2. Ano ang nagiging epekto ng kanyang pagkukusa ng kilos upang tulungan ang mga mahihirap at higit na mas nangangailangan ng kalinga?
3. Paano mo matutularan ang kanyang ginawa sa iyong simpleng paraan?