IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Liwanag sa Dilim: Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog Alab Filipino 5, pp. 74-45 Si Maria Gennett Roselle R. Ambubuyog ay ipinanganak noong ika-12 ng Enero, 1980 sa Maynila. Anak siya nina Gemme F. Ambubuyog at Deanna B. Rodriguez. Naging masaya at tahimik ang unang mga taon ng kaniyang kabataan, kasama ang kaniyang mga magulang at tatlong kuya na sina Glemm, Glenn, at Garry. Noong anim na taong gulang si Roselle, nagkasakit siya at binigyan ng apat na uri ng gamot. Bumuti ang kaniyang pakiramdam, subalit pagkatapos ng dalawang linggo, muli siyang nagkasakit. Tinawag na Steven Johnson 's Syndrome, o labis na reaksiyon ng katawan sa mga gamot na kaniyang ininom ang kaniyang sakit. Dahil dito, nawala ang kaniyang paningin. Dinala siya ng kaniyang mga magulang sa iba't ibang doktor, subalit hindi na muling nakakita si Roselle, Sa kabila nito, sinikap ni Roselle at ng kaniyang mga magulang na maipagpatuloy ang dati niyang buhay. Umalis ang kaniyang ama mula sa dati niyang trabaho upang tulungan si Roselle na muling matutuhan ang mga pang -araw-araw na gawain. Nakabalik siya sa pag-aaral at nagtapos bilang balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino noong 1972 at sa Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay noong 1996. Pagkatapos nito nagtungo siya sa Pamantasang Ateneo de Manila upang mag-aral ng Matematika. Nagbunga ang pagsisikap ng buong pamilya, dahil noong 2001, nagtapos si Roselle bilang balediktoryan mula sa Pamanatasang Ateneo de Manila. Sa kaniyang talumpati bilang balediktoryan, pinasalamatan niya ang kaniyang buong pamilya, lalo na ang kaniyang ama, na nagsilbing mga bituin sa kaniyang paglalakbay. Pagkatapos nito, nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngayon, isa siyang consultant para sa isang kompanyang gumagamit ng makabagong teknolohiya upang gumawa ng kagamitan para sa mga taong may kapansanan. Nagagamit niya ang kaniyang karanasan at kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.​