PAGTATALAKAY
Ang pang-uri (adjective) ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa panggalan o panghalip
MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG KAANTASAN NG PANG-URI
1. Lantay - naglalarawan ng iisang panggalan o panghalip
Mga halimbawa:
- Ang sapatos ni Jose ay malaki (ang salitang malaki ang naglalarawan sa sapatos)
- Masigla ang naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan. (ang salitang masigla ang naglalarawan sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan)
2. Pahambing - naghahambing o nagtutulad sa dalawang panggalan o panghalip
- Pasahol o Palamang - paghahambing ng dalawang panggalan o panghalip na ang isa sa paghahambing ay nakalamang. Ginagamitan ito ng mga katagang higit, mas, lalo, lubha, di hamak, at iba pa.
Mga halimbawa:
- Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbabad sa online games.
- Higit na maganda ang mga kanta ngayon kaysa noon.
- Patulad - nagsasaad na ang dalawang panggalan o panghalip ay may pantay o magkatulad na katangian. Ginagamit ito ng mga panlaping magsing-, magkasing-, kasing-, kapwa, pareho at iba pa.
Mga halimbawa:
- Kapwa malumanay magsalita ang magkapatid.
- Magsindami ang naani nilang prutas.
3. Pasukdol - nagpapahayag na sa pinaghahambing na dalawa o higit pang panggalan o panghalip ay may isang nagpapakita ng pinakamatinding katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping pinaka-, napaka, sakdal, sobra, saksakan, at iba pa.
- Pinakamalinaw ang naging pahayag niya.
- Napakalaking pinsala ng bagyong tumama ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
#BagongAralin