Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
KAISIPANG KOLONYAL NG MGA PILIPINO
ay naipapakita ng mga Pilipino sa pagkahilig sa mga dayuhang produkto sa paraan ng :
A. Pagtangkilik o pagbili sa mga stateside na kagamitan
- Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas:
Nang maitaboy ang mga dayuhang Espanyol sa bansa, nagsimulang pamunuan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na may layuning tulungan sa pagbangon mula sa pagkakasakop.
Narito ang ilan sa mga naging ambag ng mga Amerikano sa bansa:
-Pagpapadala ng mga gurong 'Thomasites' na dumating noong ika-23 ng Agosto 1901 sakay ng barkong S.S.Thomas. Ang layunin ng nasa 600 na mga gurong ito ay magsilbing guro para sa mga Pilipino at mahubog ang kanilang kaalaman at mapalawak ang kaisipan.
-Arketektura, naipamalas ng mga Amerikano ang kanilang sariling disenyo at konsepto sa larangan ng disenyong 'Neoclassical' na kanilang ginagamit s amga itinatayong gusali sa bansa. Yari ito sa mga bakal at semento na matibay na pundasyon kaya napatunayang ito ay matibay at matatag. Naipakilala din nila ang paglalagay ng espasyo sa loob ng bahay na maaring paglagakan ng mga kagamitan hindi madalas gamitin na kung tawagin ayu 'attic'.
- Ang Komonwelt ng Pilipinas:
Ito ay ang pamahalaang naitatag sa bansa sa taong 1936 hanggang 1947 kung kailan naging komonwelt ng Estados Unidos ang bansa.
Ang pamamahalaang ito ay nabuo sa pagbuo ng kasunduan Batas na tinatawag na 'Batas Tydings-Mcduffie'. Nasasaad dito na, ito ang magiging tulay na hakbang ng bansang Pilipinas sa tuluyan at ganap na kalayaan.
Si Manuel L. Quezon ang tinaguring huling namuno sa Pamahalaang Komonwelt ng ito ay lubusang buwagin noong taong 1946 kung saan ang naging isang ganap na Republika ang Pilipinas.
- Ang Kaisipang Kolonyal
Dala na rin marahil ng ilang daang taong pananakop ng mga Amerikano sa bansa, ay naipamalas nila ang kanilang sariling kaugalian at kagawian sa pananamit, pagpili ng kasangkapan, pananalita atbp.
Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa bansang nanakop ay may mataas na antas sa lahat ng bagay, kung kaya't ang bansang sinakop ay dapat umayon sa kung anung estado ng kultura at pamumuhay ang mayroon sila.
Nababatid ito sa mga panahong nagtagal at nasakop ng bansang Amerika ang Pilipinas at nakapagpalaganap ng mga kaisipan na ang mga kagamitang nanggaling sa kanilang bansa ay higit na matibay at dekalidad ang estado. Kung kaya't nahikayat ang mga Pilipino na tumangkilik ng madameng produktong nanggagaling sa ibang bansa ngunit kakaunti lamang ang nakakakita ng kalidad ng mga lokal na produkto.
Idagdag pa dito, na mas ginugusto ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng mapuputing balat o kutis na kagaya ng sa mga Amerikano, kung kaya't madaling maibenta ang mga produktong nagbibigay pangako ng pagpapaputi ng balat.
Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa ng
karagdagang detalye,narito ang iba pang mga
links na maari mong i click:
*KAISIPANG KOLONYAL https://brainly.ph/question/170804
*PAMAHALAANG KOMONWELT https://brainly.ph/question/941326
#BRAINLYEVERYDAY
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.