IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

3. Tukuyin kung anong antas ng pang-uri ang sa bawat bilang at Gamitin ito sa pangungusap 2puntos kada bilang) Salita Kaantasan ng Pang-uri Pangungusap 1. Mas malapit 2. Kuripot 3. Matanda 4. Pinakamalambig​

Sagot :

Answer:

1. Mas malapit (pahambing)

Halimbawa ng pangungusap:

  1. Mas malapit ang bahay ni Mina sa paaralan kaysa kay Liz.
  2. Sa aking palagay, mas malapit na matapos si Joshua sa kanyang proyekto kumpara kay Jake.
  3. Sila ay pupunta sa Mcdonalds subalit malayo ang Mcdonalds kaya sa Jollibee nalang sila pumunta dahil mas malapit ito.

2. Kuripot (lantay)

Halimbawa ng pangungusap:

  1. Sobrang kuripot ng bata ni Aling Maria.
  2. Nagiging kuripot na si Jessica.
  3. Ang pamilya nila ay kilala sa pagiging kuripot.

3. Matanda (lantay)

Halimbawa ng pangungusap:

  1. Ang lolo at lola ni Mia ay matanda na.
  2. Sa tingin ko naging matanda na yung alaga mong aso.
  3. Matanda na ang mga libro sa silid-aklatan.

4. Pinakamalambing (pasukdol)

Halimbawa ng pangungusap:

  1. Sa aking pamilya, ang pinakamalambing saaming lahat ay ang aking tatay.
  2. Pinakamalambing ang mga pusa ng aking kapitbahay.
  3. Totoo na ang aking matalik na kaibigan ay isa sa mga pinakamalambing na tao na aking nakilala.

Hope it helps, brainliest po pag tama <3