Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Naninindigan din na ang lahat ng tao ay nakapag-aambag sa pagkakaiba-iba at kayaman ng
sibilisasyon at kultura, kung saan ay nakakaambag sa kabuuan ng pamana ng sangkatauhan,
Naninindigan din na ang lahat ng mga paniniwala, panununtunan at kagawian o itinataguyod na
kahusayan ng tao o indibidwal batay sa pinagmulang bansa, lahi, relihiyon, katutubo o pagkakaiba ng
kultura ay rasismo, walang siyentipikong batayan, walang ligal na pinagbabatayan, kasuklamsuklam
at hindi makatarungan,
Masidhing pinaninindigan na ang mga katutubo, sa pagsasagawa ng kanilang karapatan, ay
karapat-dapat na maging malaya sa anumang diskriminasyon,
Nababahala na ang mga katutubo ay nagdurusa ng walang katarungan sa mahabang panahon
sanhi ng kolonisasyon at pag-agaw sa kanilang mga lupain, nasasakupan at likas na yaman, na
nagiging hadlang upang maisagawa, sa partikular, ang kanilang karapatang umunlad ayon sa
kanilang mga pangangailangan at kapakanan,
Kinikilala ang kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang likas na karapatan ng mga
katutubo na nagmula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang estraktura at kultura, espiritwal
na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya, lalo na ang karapatan sa kanilang mga lupain, nasasakupan at
likas-yaman
Explanation:
pabrainliest po
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.