IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Sumulat ng talata kung bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati ​

Sagot :

Answer:

Dahil magsisilbing pantulong ito para mapaganda at maging maayos ang pagpapahayag. At paraan rin ito upang makabuo ng tumpak, mapapanaligan at may katotohanang paksa para sa makakarinig nito. Mapapalawak nito ang kaalaman at kaunawaan sa kung ano ang isusulat at kung paano ibibigkas ang talumpati. Maihahayag rin ng ang saloobin at ideya ng isa.

Paliwanag:

Ano ang isang Talumpati?

Ito ay uri ng sining na nagpapahayag ng mga buod na kaisipan, ideya o opinyon ng isang tao hinggil sa paksa sa pamamagitan ng pagsasalita sa unahan o sa isang entablado. Ang tawag sa nagtatanghal ng talumpati sa harap ng grupo o ng publiko ay mananalumpati.

Ang layunin ng talumpati ay magbigay sa atin ng impormasyon, humikayat, tumugon, mangatuwiran at magsabi o paglalahad ng isang paniniwala. Maituturing na isang uri ito ng komunikasyong pampubliko.

Mga Uri ng Talumpati:

1. Talumpating Walang Paghahanda

Ito ay kilala sa tawag na impromptu o daglian. Isang uri ito ng biglaan na talumpati na binibigyan lamang ng ilang minuto upang makapagsalita o makasagot galing sa sariling ideya. Maituturing na pinakamahirap na talumpati ito.

2. Talumpating Pabasa

Ang paraan naman ng pagahahanda nito ay nagsusulat muna at pagkatapos ay babasahin na ito sa madla. Mayroon ring oras na nakalaan dito upang makapagsalita.

3. Talumpating Pasaulo

Ito ang uri ng talumpati na kailangan mo magsaulo o gamitin ang talas ng memorya. Kailangan rito ng paghahanda at pag-eensayo upang maitawid ng ayos ang paksa o sasabihin sa tagapakinig.

Explanation:

yannn na po.