Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ano ang kahulugan ng Likas na Batas na Moral?
Ang Likas na Batas Moral ay ang teorya na nagsasabing taglay ng bawat isa sa atin ang kaalaman ng tama at mali. Sinasabi dito na dahil tayo ay nilikha ng Diyos, at dahil ang lumikha ay mabuti at makatarungan, marapat lamang na isipin na tayo ay ganoon din. Ang teorya ng Likas Batas Moral ito ay mayroong pitong kabutihan na pinaniniwalaang layunin ng tao.
Explanation:
Ang pitong kabutihan na ninanais ng tao ayon sa teorya:
Ang mabuhay.
Ang magkaroon ng mga anak.
Ang mapag-aral ang mga anak.
Ang mapalapit sa Diyos.
Mabuhay ng maayos kasama ang mga ibang tao.
Umiwas na makapanakit, pisikal man o sa pakiramdam.
Umiwas sa pagiging mangmang.
Ang naunang tatlo ay para sa dalawang nilikha ng Diyos, ang tao at ang hayop, pareho silang nais mabuhay, magkaroon ng anak at sa kanilang sariling paraan ay nagtuturo sa mga ito. Ang sumunod na apat ay sinasabing natatanging pagnanais lamang ng tao at ang pagsunod dito ay matutupad lamang kung gagawa ng tama ayon sa sariling konsiyensiya.
Narito ang dahilan upang tapat na masunod ang apat na ninanais ng tao:
- Upang mapalapit sa Diyos, mahalaga na tayo ay gumawa ng mabuti.
- Sa pagnanas nating mabuhay ng maayos kasama ang ibang tao, mahalagang tama ang pagtrao natin sa kapwa.
- Gaya ng sinundan, bahagi ng pagtrato ng tama sa kapwa ang pag-iwas na makasakit ng kapwa at kalooban nito.
- Upang matupad ang lahat ng ito, mahalagang makaiwas ang bawat indibiduwal sa pagigigng mangmang. Sinasabing ang pananaliksik ng karunungan ay ang tanging daan upang makaiwas sa pagkakamali.
Kung ating titignan ng mabuti, Ang Likas na Batas Moral ay tila nakaasa sa paggamit ng konsensiya o budhi, mga bagay na karaniwang sanggunian ng sa isang mabuting tao.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Euthanasia, is it morally wrong? brainly.ph/question/1475879
What is conscience? brainly.ph/question/198443
What is same-sex marriage according to natural law? brainly.ph/question/1440383
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.