Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000 Pilipinong sibilyan, pagbuwag sa Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng pamahalaan, edukasyon, kalakaran, industriya, at ng mga edukadong pamilya at indibidwal sa mga susunod na dekada.
Explanation:
Pumutok ang labanan sa pagitan ng puwersa ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na tinaguriang Ikalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, pormal na naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kaniyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo.
carry on learning
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!