IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Ang mga Kalahok sa Patimpalak GDViloria Isang araw habang naglalakad papasok ng paaralan si Jen ay nabása niya ang isang anunsiyo na nakapaskil sa tarangkahan ng kanilang paaralan na nag-aanyaya sa mga may kapansanan na sumali sa patimpalak ng pagguhit at pagkanta sa darating na Biyernes. Sa tuwa’y dali–daling nagtungo si Jen sa kaibigan niyang si Bernard na may polio upang ibalita ito. Batid niya kasi na mahusay sa pagpipinta ang kaibigan. Kinuha niya at inihanda ang gamit sa pagpipinta ng kaibigan. Nagsanay nang mahusay si Bernard sa túlong ng kaibigan niyang si Jen. Matiyaga namang inalalayan ni Jen ang kaibigan hanggang sa araw ng patimpalak. Dahil sa pagtitiyaga ng dalawa, nakamit ni Bernard ang unang puwesto. Tuwang-tuwa ang dalawang magkaibigan. Mga tanong: 1. Ano ang nabasa ni Jen sa tarangkahan ng paaralan? 2. Bakit pinuntahan ni Jen si Bernard? 3. Paano ipinakita ni Jen ang pagmamalasakit sa kaibigang may kapansanan? 4. Ano ang nakamit ng magkakaibigan? 5. Kung ikaw si Jen, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?​

Sagot :

Answer:

1.Nabasa niya ang isang anunsiyo na nagaanyaya sa may mga kapansanan na sumali sa patimpalak na pagguhit at pagsayaw sa darating na biyernes.

2.Nais niyang ibalita ito sa kanyang kaibigan dahil batid niya kasi ma magaling sa pagpipinta si Bernard.

3.Ipinakita niya ito sa pamamagitan ng pagtulong,pag-alalay niya sa kaibigang may kapansanan.

4.Nakamit nila ang tagumpay,sila ang nakakuha sa unang puwesto.

5.Oo,dahil masayang tumulong sa iba

Explanation:

(sariling opinyon mo yung pang lima)