IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
“Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas”
Simula noong nasa unang baitang pa lamang sila sa elementarya ay magkaklase na sina Lino at Tomas hanggang ngayong nasa ikalawang taon na sila sa sekondarya. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay matalik silang magkaibigan.
Si Lino ay anak ng isang hardinero sa paaralan na pinapasukan nila. Ang ina naman niya ay nagtitinda sa kantina. Ang mga magulang ni Tomas ay isang guro at isang OFW.
Parehong masayahing bata sina Lino at Tomas. Pareho rin silang aktibo sa klase at sa mga patimpalak. Kahit matumal ang kita ng mga magulang ni Lino ay ni minsan hindi ito nagutom o nawalan ng pambayad sa proyekto dahil nandiyan si Tomas.
Mapagbigay talaga si Tomas hindi lang kay Lino pati na rin sa iba nilang mga kaklase. Sa murang edad, may sariling kotse na ito na bigay ng ama niya noong nagtapos siya sa elementarya.
Subalit, nagbago ang lahat noong naghiwalay ang mga magulang ni Tomas. Ang dating masayahin at aktibong mag-aaral ay naging tamad sa klase. Palagi siyang pinupuntahan ni Lino sa bahay nila upang yayain pumasok pero ayaw niya.
Si Lino naman ay patuloy sa pag-aaral. Sumali rin siya sa basketbol team ng paaralan at naging abala siya roon. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na sina Francis, Stanley, at Jacob.
Explanation:
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.