IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
1. dahil ang karapatan ay parang may karapatan ang isa o may karapatan ang isa at kaya dahil ito ay pinapahalagaan kasi napaka halaga nito lalo na kung nagsasabi kayo ng katotohanan laban sa korte
Answer:
1.Dahilan kung bakit kailangan pahalagahan ang karapatan at saan ito nakabatay
Ang ating mga karapatan ay mga bagay o gawaing ipinagkaloob sa isang tao na maaari niyang gawin habang siya ay nabubuhay. Kung ating iisipin ito ay isang bagay na libre, na hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait.
Upang magkaroon ng kabuluhan ang ating mga karapatan, gamitin natin ito ng naayon at tama, pahalagahan natin ang mga karapatang ating tinatamasa at maayos nating isabuhay ang lahat ng ating mga karapatan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa.
Ang maayos na lipunan ay nangangailangan ng mga taong kumikilala at sumasabuhay sa kanilang mga karapatan at katungkulan. Gawin natin ang ating makakaya upang makapag-ambag sa ating lipunan tungo sa kaunlaran.
Kung nais natin ng maayos na lipunan, kailangan nating bukas-palad na mag-ambag sa pagtataguyod ng isang mundo kung saan ang ating mga karapatan at katungkulan ay nirerespeto at isinasakatuparan. Kaya dapat isabuhay ng bawat isa na ang bawat karapatan ay irespeto, wag abusuhin bagkus ay gamitin sa naayon at tamasahin ng bawat isa.
2.Maging bukas/alamin ang mga pangyayaring nagaganap sa lipunan.
Huwag manahimik kung may lumabag sa isa sa iyong karapatan
Laging maging alerto sa mga bagay/pangyayari na nagaganap sa lugar/lipunan na iyong kinabibilangan.
Pag-aralan na mabuti ang iyong mga karapatan at kung ano ang maaaring gawin kung malabag ang isa man sa mga ito.
3.Bilang isang kabataan, tungkulin ko na maging mapanuri sa lahat ng bagay na inilalahad sa akin. Tungkulin kong mapangalagaan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga mahahalagang impormasyon nang sa gayon ay hindi ako mahulog sa isang suliraning makapagpapagulo sa lipunan.
Ang pagkilala sa katotohanan ay ang isang sa mga salik na dapat gawin ng isang kabataan upang mapangalagaan niya ang kanyang karapatan, at ang karapatan ng kapwa umiiral. Sa ganitong paraan, malalagpasan ang bawat suliranin kung laging may pagkiling sa kung ano ang totoo at mabuti.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.