IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

paano nakaapekto sa pamumuhay Ng mga pilipino Ang pagkakaroon Ng colonial Mentality?​

Sagot :

Answer:

Ang colonial mentality ay ang pagbabago ng kaisipan o mentalidad ng isang bansa ukol sa kultura nito. Ito ay dahil sa paggaya sa kultura ng ibang bansa na maaaring namahal sa bansang ito bilang kolonidad. Sa kasalukuyang panahon, ang Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng colonial mentality. Paano nakakaapekto ang mentalidad na ito? Narito ang ilan sa mga paraan kung paano nakakaapekto sa atin ang colonial mentality sa kasalukuyan.

Marami sa mga Pilipino ang mas pumapabor sa mga produkto na galing ibang bansa. Ito ay dahil iniisip ng mga kababayan natin na mas susyal ang gawa sa ibang bansa kaysa sa gawa sa Pilipinas. Halimbawa, mas gusto nila ang mga Nike at Adidas na sapatos kaysa sa sapatos na gawa mula sa Marikina.

Marami rin sa mga Pilipino ang mas pinipili ang mga dayuhang pelikula at palabas kaysa sa mga pelikula at palabas na gawang lokal. Halimbawa, mas gusto ng maraming Pilipino ang mga Hollywood films at Korean series kaysa sa mga Filipino movies at series.

Marami ring mga Pilipino ang tinuturing na susyal at mas masarap ang mga pagkain mula sa ibang bansa kagaya ng bibimbap, bulgogi, tonkatsu, misono, at iba pa.

Dahil sa mga ito, mas tinutulungan ng mga Pilipino ang negosyo na mula sa ibang bansa kaysa sa negosyo ng mga kababayan nating Pilipino dito sa Pilipinas.

Iyan ang ilan sa mga halimbawa ng colonial mentality na paraan kung paano nakaaapekto ang colonial mentality sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan din nakikita kung paano nakakaapekto sa kultura ng mga Pilipino ang colonial mentality.