Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang Labanan sa Bataan (7 Enero 1942–9 Abril 1942) ay naganap sa pagitan ng mga hukbo ng Amerika at ng Pilipinas laban sa hukbo ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang labanang ito ang itinuturing na pinakamatinding bahagi ng pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Explanation:
oong Enero 1942, sinakop ng puwersa ng Imperial Japanese Army ang Luzon kasama na ang ibang isla ng Pilipinas, matapos ang pag-atake ng puwersang Hapones sa Pearl Harbor noong 7 Disyembre 1941. Bagama’t idineklara noon ang Maynila bilang “bukás na lungsod” upang hindi gaanong maapektuhan ito ng digmaan ay binagsakan pa rin ito ng mga bomba ng mga Hapones. Ang kabisera ay ganap na napasakamay ng Japan noong Enero 1942.
Pinagsama-sama ni Heneral Douglas MacArthur, ang noo’y commander-in-chief ng lahat ng hukbong Pilipino at Amerikano sa Pilipinas, ang lahat ng hukbo sa Luzon at dinala sa Bataan para labanan ang mga Hapones. Sa panahong ito, kontrolado na ng mga Hapones ang halos buong Timog-silangang Asya. Tanging ang Bataan Peninsula at ang Corregidor ang mga teritoryo sa rehiyon na nananatiling hawak ng mga Amerikano at Puwersang Allied.
Sa kabila ng kakulangan sa mga kagamitan, nagtagumpay ang mga hukbong Pilipino at Amerikano na labanan ang mga Hapones sa loob ng tatlong buwan. Dahil dito, naantala ang pagtatagumpay ng mga Hapones at tuluyang pagsakop sa mga teritoryo sa Pasipiko.
Ang pagsuko sa mga Hapones ng halos 76,000 libong sundalong Amerikano at Pilipino ang itinuturing na pinakamalaking bilang ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na sumuko sa mga Hapones. Matapos ang pagsuko nila, nangyari ang Bataan Death March kung saan pinaglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Bataan hanggang Tarlac.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.