Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
Bilang isang Pilipino ang bawat pamilya ay may kinaugalian o paniniwala. Hindi natin maitanggi sa ating sarili na hindi tayo naniniwala sa mga sabi ng mga ninuno natin. Dahil bahagi na ito ng buhay natin bilang mga Pilipino. Mayaman tayo sa tradisyon, kultura at kaugalian. Tulad ng pagdiriwang ng iba’t ibang pangyayari katulad ng Pasko, Pista at iba pa. Nakasanayan na ng pamilyang Pilipino ang mga gawaing ito. Naipamana na kasi ito ng mga ninuno natin ang mga nakaraaang ginagawa nila. Maraming mga impluwensya ang ating kultura, tradisyon at kaugalian kaya naisabuhay natin ito sa pang araw araw.
Para sakin, Oo, dapat ipagpatuloy pa rin natin ang mga nakaugalian natin o paniniwala. Bilang Pilipino ang pagkakaroon ng kultura, tradisyon at paniniwala ay isang mahalagang bagay na kailangan nating pahalagahan. Dahil ito ang isa sa mga nagsisilbing simbolo ng ating pagka Pilipino. Dapat nating linangin ang kaisipan ng bawat Pilipino na ipagpatuloy ang nasimulan ng ating mga ninuno. Ang pagiging makabayan ay hindi lamang pagmamahal sa bayan kundi kasama na dito ang pagmamahal at pagsabuhay ng ating kultura, tradisyon at kaugalian. Kasama na sa ating pang araw araw na pamumuhay ang mga paniniwala na pinaniniwalaan natin. Ang Pilipino ay kakaiba sa lahat dahil mayroon tayong sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Kung hindi natin ipagpatuloy ito mawawala ang kaibahan natin sa lahat. Nagsisilbing simbolismo ng ating bansa ang kultura dahil nakikilala tayo dito bilang mga Pilipino
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.