IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
1. 6th interval
2. 4th interval
3. 5th interval
4. 2nd interval
5. 3rd interval
Explanation:
Interval
Sa musika, ang interval ay ang tawag sa distansiya sa pagitan ng dalawang nota. Ang interval ay may tatlong direksyion - paakyat, pababa o inuulit. Ang interval ay maaring harmonic o melodic. Ang harmonic interval ay kapag ang dalawang nota ay nakasulat ng magkapatong, o kapag ang dalawang nota ay magkasabay na tugtugin o awitin. Ang melodic interval ay kagaya ng mga naibigay sa gawain na kung saan ang dalawang nota ay tinutugtog o inaawit ng hindi sabay.
1. 6th interval - Ang interval ay may paakyat na direksiyon. Ang unang nota ay G at ang ikalawang nota ay E. Ang mga nota na nakapaloob sa interval ng G at E ay G, A, B, C, D at E kaya ito ay 6th interval.
2. 4th interval - Ang interval ay may paakyat na direksiyon. Ang unang nota ay G at ang ikalawang nota ay C. Ang mga nota na nakapaloob sa interval ng G at C ay G, A, B, at C kaya ito ay 4th interval.
3. 5th interval - Ang interval ay may pababa na direksiyon. Ang unang nota ay D at ang ikalawang nota ay G. Ang mga nota na nakapaloob sa interval ng D at G ay D, C, B, A, at G kaya ito ay 5th interval.
4. 2nd interval - Ang interval ay may paakyat na direksiyon. Ang unang nota ay E at ang ikalawang nota ay F. Ang mga nota na nakapaloob sa interval ng E at F ay E at F kaya ito ay 4th interval.
5. 3rd interval - Ang interval ay may paakyat na direksiyon. Ang unang nota ay G at ang ikalawang nota ay B. Ang mga nota na nakapaloob sa interval ng G at B ay G, A, at B kaya ito ay 3rd interval.
Interval
https://brainly.ph/question/10413242
#LETSSTUDY
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.