IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

gumuhit ng bituin sa linya kapag ang pangungusap ay gumagamit ng metapora.
_____1.Ang karagatan at Galit na toro KAPAG may bagyo.
_____2.singgaan ng balahibo Ang papel.
_____3.siya ay bituin sa paningin ng kanyang ama.
_____4.hindi nakatapos ng anumang Gawain si Mary sapagkat pagong kung Siya ay kumilos.
_____5. Ang kanyang buhok ay sing itim ng Gabi.











PATULONG Po please​


Sagot :

Metapora

  1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.
  2. Singgaan ng balahibo ang papel. __
  3. Siya ay bituin sa paningin ng kanyang ama.
  4. Hindi nakatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat pagong kung siya ay kumilos.
  5. Ang kaniyang buhok ay sing-itim ng gabi. __

Ang metapora, o pagwawangis, ay isang uri ng paghahambing na tuwirang inihahambing na magkatulad ang dalawang magkaibang bagay na hindi ginagamitan ng anumang salita or pariralang pagtutulad (hal. tulad ng, parang, sing-, atbp.).

Sa 5 pangungusap sa itaas, ang mga bilang 1, 3, at 4 lamang ang nagpapakita ng paggamit ng metapora habang ang bilang 2 at 5 naman ay nagpapakita ng simili dahil sa mga panhalip na sing-.

#filipino_metapora