Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

A. Ang Pakikisalamuha sa Kapuwa
B. Ang Pananalig ay Nakatutulong sa Kalusugan
C. Bigyang Halaga ang Lusog Isip
D. Mahalaga ang Kalusugan
E. Pagtiyak sa Kalusugan


_______1. Mahalaga ang ating kalusugan. Pangalagaan natin ang ating katawan.
Maglaan tayo ng sapat na oras para sa ehersisyo. Kumain din tayo ng balanseng
masustansiyang mga pagkain. Dapat din tayong magkaroon ng sapat na pahinga.
_______2. Bigyang-halaga rin natin ang ating lusog-isip o mental health. Kasinghalaga
din ito ng lakas ng ating katawan. Mas magiging masaya ang ating pamumuhay kung
iiwas tayo sa mga bagay na magdudulot sa atin ng sobrang pag-iisip. Umiwas tayo sa
mga balitang maaaring magdulot ng takot at pagkabahala.
_______3. Ang pakikisalamuha sa kapuwa tao ay makatutulong din sa ating kalusugan.
Mas nakagagaan sa ating pakiramdam kung tayo ay may mga nakakausap. Naiiwasan
natin ang pag-iisip ng mga negatibong bagay kung naibabahagi natin ang ating mga
suliranin sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Maaaring sa pakikipag-usap sa kanila
ay makakuha tayo ng solusyon sa ating mga problema.
_______4. Higit sa lahat, manalig tayo. Ang pananalig ay mabisang pangontra ng mga
bagay na maaaring magdulot sa atin ng kapahamakan. Anoman ang ating relihiyon,
bahagi na ng ating kultura ang pananalig. Ipagdasal natin ang kaligtasan ng bawat isa
upang tayo ay mabuhay nang payapa.
_______5. Hindi kailangan ng maraming pera upang ikaw ay maging malusog. Nasa
tamang kilos at gawi nakasalalay ang ating pagiging malusog. Maging malinis tayo sa
ating katawan at sa ating paligid. Kumain nang wasto at mag-ehersisyo. Magdasal at
maging payapa ang isip. Tiyak na ang kalusugan ng bawat isa.