IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Ano ang tatlong bahagi ng alamat?



Sagot :

Ang alamat ay uri ng kwentong bayan na nagkuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig. Ang tatlong bahagi nito ay simula, gitna at wakas.
 
Simula: Kabilang dito ang mga tauhan, tagpuan at suliranin. Sa tauhan, nakapaloob kung sinu- sino ang gaganap sa kwento at ang papel ng bawat tauhan. Sa tagpuan, nakasaad ang lugar na pangyayarihan ng kwento at panahon kung kailan naganap ang kwento. At sa suliranin, dito nakapaloob ang mga problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
 
Gitna: Binubuo ito ng kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Sa kasiglahan nakalahad ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang sangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang pakikipaglaban at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan. Maaring ito ay tuggalian ng pangunahing tauhan laban sa sarili, sa kapwa o laban sa kalikasan. Sa kasukdulan, ito ang kapana- panabik na tagpo sa isang alamat o sa isang kwento na kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 
Wakas: Binubuo ito ng kakalasan at katapusan. Ang kalakasan ang unti- unting pagbaba ng takbo ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. At ang katapusan ang maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.