Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang kasingkahulugan ng malinis


Sagot :

Kasingkahulugan ng Malinis

Ang salitang malinis ay isang pang-uri. Ito ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na linis. Inilalarawan ng salitang ito ang tao, bagay, hayop o lugar na walang dumi, mantsa, kalat o kahit anumang sagabal. Sa Ingles, ito ay clean o neat. Ang kasingkahulugan ng malinis ay ang mga sumusunod:

  • dalisay
  • maaliwalas
  • busilak
  • maayos

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang sa pangungusap ang salitang malinis upang mas maintindihan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • (Dalisay) Malinis ang layunin ng bagong kapitan para sa kanyang komunidad.

  • (Maaliwalas) Laging malinis ang paligid ng aming paaralan dahil maaga palang ay nagwawalis na si Kuya Roger.

  • (Busilak) Tunay na malinis ang puso ni Angel Locsin dahil lagi siyang handang tumulong sa mga nangangailangan.

  • (Maayos) Pinapanatiling malinis ang silid-aklatan sa aming paaralan upang hindi mahirapan ang mga bata sa paghahanap ng libro.

Mga Salitang Magkasingkahulugan:

Ang mga salita na may parehong kahulugan o ibig sabihin ay tinatawag na magkasingkahulugan. Ito ay synonyms sa Ingles. Narito ang ilan pang halimbawa ng magkasingkahulugan:

  • masikip - makipot
  • matangkad - mataas
  • masarap - malinamnam
  • masaya - maligaya
  • mabait - mabuti
  • mabagal - makupad
  • mayaman - mapera
  • mataba - malusog
  • matalas - matalim
  • tama - wasto
  • marumi - marungis
  • maluwag - malawak

Halimbawa ng salitang magkasingkahulugan at magkasalungat:

https://brainly.ph/question/187873

#LearnWithBrainly