IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ANO ANG MGA NAIAMBAG NG KABIHASNANG INDUS AT PANAHONG VEDIC

Sagot :

Sewage system-May sewage system ang Mohenjo-Daro.Bukod dito,ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumasailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harrappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Ramayana at Mahabharata- Dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan.
Vedas-sagradong aklat ng mga Aryan.Binubuo ng Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda at Artarva veda. Ito ay tinipong himnong pandigma,mga sagradong ritwal,mga sawikain,at mga salaysay.