IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Kahalagahan ng pakikilahok
Answer:
Kahalagahan ng pakikilahok
- Ang pakikilahok ay ang pagsasali ng sarili sa isang gawaing pinagkakaabalahan ng isang grupo o ng karamihan sa isang komunidad o pamayanan. Ito ay kusang-loob na ginagawa at may iisang hangarin na matapos ito o makamit ang layunin ng grupo o ng gawain. Dahil dito, napakahalaga sa isang miyembro, boluntaryo man o pinili ng may awtoridad, na makibahagi sa pagkamit ng layunin ng grupo at ang pakikilahok ang unang pamantayan upang ito ay makamit.
Mga benepisyo ng pakikilahok
- Nagpapalawak mo ang iyong koneksyon sa ibang tao, mapa-propesyonal man o panlibangan. Dahil may nakikilala kang ibang tao, mas dumadami ang iyong nagiging kaibigan at sa iba't ibang paraan ay maaari ka nilang tawagin muli sa pagkakataong matulungan ka nila o ikaw ang kailangan nila para tumulong sa kanila.
- Nakatutuklas ng bagong larangan dahil sa pagsali at pakikilahok sa ibang gawain lalo na kung sumusubok ka ng bagong libangan. Dahil dito, nagkakaroon ka ng bagong ideya sa mga bagay-bagay sa iyong paligid.
- Napalalakas at napatatatag nito ang iyong unang hilig dahil sa patuloy na pakikilahok at aktibong pagdalo sa mga gawaing nakakakuha ng iyong atensyon at dedikasyon.
- Nagkakaroon ka ng maraming kaibigan at kakilala, mga taong unang beses mo pa lang nakilala ngunit dahil sa iisa kayo ng hilig ay nagkatagpo kayo at naging kaibigan. Marami na ang nagkaroon ng bagong kakilala at kaibigan dahil sa pakikilahok sa iba't ibang gawain.
- Nahahasa ang iyong kakayahang mamuno at makipag-usap o talakayan, pagpapahayag ng sariling damdamin lalo na kapag may grupo kang hinahawakan. Dahil hindi sa lahat ng panahon ay taga-sunod ka lamang at darating rin ang panahon na kikilalanin rin ng iba ang iyong mga kakayahan, ikaw ay tiyak na magiging pinuno ng isang grupo. Sa ganitong pagkakataon ay magandang may matutunan sa paghawak ng grupo, maliit man o malaki.
- Mapapatibay mo ang paniniwala mo sa iyong sarili at sa iyong kakayahan dahil ito'y nahahasa, nalilinang, nagiging panatag ka sa iyong mga kasama at paglaon ay nagiging malakas ang iyong loob sa harap ng maraming tao.
#BRAINLYEVERYDAY
Ito ay ilan lamang sa mga maaaring maging bunga ng pakikilahok. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring buksan ang link sa ibaba.
ano ang pakikilahok? brainly.ph/question/78382
Halimbawa ng pakikilahok brainly.ph/question/249129
PAGKAKATULAD NG PAKIKILAHOK AT PAGKAKAIBA NG PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO: brainly.ph/question/11014119
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.