Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang Kinnaree ay nagmula sa Indianong alamat at Hindu mythology. Ito ay isang babaeng kahating ibon at kalahating tao na sinasabing mula sa gubat ng Himmaphan na matatagpuan sa bansang Thailand. Ang karakter ng Kinanaree ay kilala sa kasaysayan ng mga bansa sa Timog-Silangan Asya.
Explanation:
Kasaysayan ng Kinnaree
Ayon sa literatura ng Thailand, ang Kinnaree ay nagmula sa India. Ang lalaking katumbas ng Kinnaree ay Kinnon.
May iba’t-ibang karakter na katulad ng Kinnaree sa ibang bansa sa Timog-Silangan Asya:
- Burma – Keinnaya or Kinnaya
- Cambodia - Kenar
- India – Kinnara
- Indonesia – Kinnara at Kinnari
- Thailand – Kinnaree
- Tibet – Miamchi
Magbasa pa tungkol sa kultura ng Timog – Silangan Asya: https://brainly.ph/question/170223
Katangian ng Kinnaree
Sinasabing ang Kinnaree ay isang napakagandang babae na may mala-anghel na kasuotan at kagandahan. Ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay tulad ng sa ibon, kung kaya’t sya ay nakakalipad at nakakapunta saan man nya naisin. Nakakatawid di umano ang Kinnaree mula sa mundo ng kababalaghan patungo sa mundo ng mga tao. Nakakalangoy ang Kinnaree. Itinatago nya ang kanyang pakpak at buntot at nag-aanyong normal at napakagandang babae.
Kilala ang Kinnaree sa bilis sa paglipad. Dahil dito, nakakarating sya sa mga lugar na hindi kayang puntahan ng ordinaryong nilalang.
Si Prinsesa Menorah mula sa Alamat ni Prinsesa Menorah ang pinaka-kilalang karakter na Kinnaree sa bansang Thailand.
Kilalanin si Prinsesa Menorah: https://brainly.ph/question/16400
Magbasa pa tungkol sa literatura ng Thailand: https://brainly.ph/question/316222
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.