IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Ang Hatol ng Kuneho
Sagot:
Ang pabulang Ang Hatol ng Kuneho ay nagsimula sa tigre na naghahanap ng kaniyang makakain, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ay nahulog sa isang malalim na butas. Sumigaw ng sumigaw ang tigre para humingi ng tulong, hanggang sa may mapadaang isang lalaki. Pilit na nagmakaawa ang tigre na siya ay tulungan ng lalaki. Ngunit nagdadalawang isip ang lalaki dahil baka siya ay kain ng tigre.
Nang matulungan na ng lalaki ang tigre dahil ito’y nangakong hindi niya kakainin ang lalaki, agad na hindi tumupad ang tigre at inikutan ang lalaki. Unang humingi sila ng hatol sa isang puno.
- Ang Hatol ng Puno ay dapat kainin ng tigre ang lalaki dahil:
- Ang mga puno ay ginagawang kasangkapan ng mga tao
- Pinuputol nila ang mga puno
- Ginagawang panggatong at pang gawa ng mga kabahayan
Dahil naging ganoon ang hatol sila ay muling humingi ng ibang opiniyon mula sa dumaang baka.
- Ang hatol ng baka ay kainin din ang tao dahil:
- Ginagawang alipin sa pagtatrabaho ang mga baka
- Pinangaararo sila ng mga bukid
- Kinakain kapag matanda na
At sa huling pagkakataon mayroon isang kunehong napadaan at hiningan din nila ito ng hatol. Ang kuneho ay nakinig sa sitwasyon nila at hiniling na ipakita sa kaniya ang naging pangyayari. Bumalik sa puwesto ang dalawa.
Ang hatol ng kuneho ay walang magiging problema kung hindi tinulungan ng tao ang tigre kung kaya’t mas magandang ang tao ay magpatuloy na lamang sa kaniyang paglalakbay at ang tigre ay manatili sa butas.
Mga kasabihang maaring mahalaw sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho:
- Walang magandang maihahatid ang pagtatanim ng sama ng loob
- Ang pagtulong sa kapwa ay isang marangal na gawain.
- Ang mabuting gawa, kinalulugdan ng madla.
- Gawin mo sa kapwa mo, ang nais mong gawain sa iyo.
Para sa mga iba pang aralin tulad nito, i-click ang mga link sa ibaba:
Buod ng "Ang hatol ng kuneho": https://brainly.ph/question/226134
Tauhan ng ang hatol ng kuneho: https://brainly.ph/question/459912
Simula ng hatol ng kuneho: https://brainly.ph/question/1829851
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.