Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw, minsan nasa ibaba. Ganun din sa pag-ibig. Sa pag-ibig, hindi naman puro kasiyahan lamang ang iyong mararamdaman kahit anong mangyari hindi maiiwasang masasaktan ka rin. Ngunit, ang sikreto upang maiwasan ang mga negatibong bunga nito ay ang pagiging praktikal hindi puro puso lamang minsan kakailanganin din nating mag-isip. Oo nga't kasiyahan ang maidudulot kung pipiliin mo ang nanaisin ng iyong puso ngunit hindi mo maiiwasang mayroon talagang negatibong bunga nito. Kung sa gamot pa, "side effects" kung baga kaya dapat ay hindi tayo magpapadala sa mga bagay na sa tingin natin ay puro kasiyahan lang ang maidudulot sa atin dahil di mo alam, doble ang sakit pala ang magiging epekto nito. Kaya tayo bingiyan ng Diyos ng kakayahang mag-isip upang tayo'y makapag-desisiyon sa kung ano ang tama. Puso't isipan ang paganahin mo upang walang bahid na pagsisisi sa desisyong gagawin mo.
Kahit anong mangyari, manatili kang matatag at wag agad sumuko.
Kahit anong mangyari, manatili kang matatag at wag agad sumuko.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!