Ang Minamoto ay isang aplido na ibinibigay ng emperador upang ialis sa pwesto ng pagiging maharlika ang ilan sa kanyang mga anak at kamaganak. Ito ay hindi upang hiyain sila, kundi para bawasan ang mga kamaganak na nabubuhay gamit ang pera ng imperyo. Ang mga Minamoto ay nanatili pa rin bilang prominente at importanteng mga tao sa lipunan. Ang angkan ng Ashikaga ay isa sa mga sanga ng Minamoto na mas nakilala sa pagiging mga samurai. Nang mamatay ang lider ng Minamoto noon Panahon ng Kamakura, inako ng mga Ashikaga ang pagiging ulo.