Ang Personipikasyon ay ang pagbibigay buhay sa isang bagay sa paggamit ng mga salitang-kilos na kayang gawin ng mga tao o imposible o di kayang gawin ng bagay na ito.
Hal.
Ang araw ay ngumiti sa akin.
- Bakit ito personipikasyon?
"Dahil hindi naman kayang ngumiti ng araw, isa lang itong ekspresyon na nagsasaad na mainit o nakakasilaw ang araw"
Ang oras ay tumatakbo kaya't sinubukan kong pangunahan ito.
- Bakit ito personipikasyon
"Dahil hindi naman tumatakbo ang oras, ibig-sabihin, hindi gumagalaw ang orasan, isa lang itong ekspresyon na nagsasaad na ang oras ay nagpapatuloy sa pag-usad"