Answered

IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

bakit tinawag na perlas ng silangan ang pilipinas

Sagot :

Perlas Ng Silangan; Isa Sa Mga Historikal Na Pangalan Ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay matatagpauan sa timog silangan ng asya (https://brainly.ph/question/111250) at sagana ito sa mga napakaraming likas na yaman. Bilang ang Pilipinas ay nasa silangang bahagi ng asya at may angking ganda tulad ng isang perlas tinagurian ito na Perlas ng Silangan.

Ang "Perlas ng Silangan" ay maituturing  na isa sa mga historikal na mga pangalan ng Pilipinas. Ang taong nasa likod ng pangalan na ito ng Pilipinas ay isang Espanyol, si Fr. Juan J. Delgado noong 1751. Mababasa rin ang mga kataga o pangalang "Perlas ng Silangan" sa tula na isinulat ni  Dr. Jose Rizal na Mi Ultimo Adios. Samantala, nooong 1960, sa pag rebisa ng Lupang Hinirang (https://brainly.ph/question/102315), na pambansang awit ng Pilipinas, ay ginamit din ang pangalang "Perlas ng Silangan" bilang pagsasalin sa orihinal na wikang Espanyol (https://brainly.ph/question/365707).

Perlas ng Silangan sa ibat-ibang wika

  • Sa wikang Espanyol: Perla de oriente o Perla del mar de oriente
  • Sa wikang Inggles: Pearl of the orient o Pearl of the Orient Seas
  • Sa wikang Filipino: Perlas ng Silangan o Perlas ng Silanganan

Iba pang historikal na pangalan o taguri sa Pilipinas

  • Las islas de San Lázaro
  • Las islas de Poniente
  • Las islas Felipinas  

#LearnWithBrainly