IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Kaantasan ng Pang - uri:
- lantay
- pahambing
- pasukdol
Ang lantay ay tumutukoy sa kaantasan ng pang - uri na hindi naghahambing.
Mga Halimbawa:
- Maganda ang bahay - bakasyunan nila sa Tagaytay, City.
- Ang kanyang suot na damit ay maganda.
- Ang kanyang mga kaibigan ay masasayahin.
Ang pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang - uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan.
Mga Halimbawa:
- Si Ana ay mas matangkad kaysa kay Nina.
- Mas malaki ang bilang ng mga babae sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kalalakihan.
- Mas maraming prutas ang mabibili mo sa halagang isang libong piso sa Divisoria kaysa sa supermarket.
Ang pasukdol ay kaantasan ng pang - uri na nagpapahayag ng pangingibabaw.
Mga Halimbawa:
- Si Eloisa ang pinakamasipag sa gawaing - bahay sa mga magkakapatid.
- Si Gng. Tollosa ang pinakambuting guro ng mababang paaralan ng Angono, Rizal.
- Si Scottie Thompson ang pinakamaliksi sa lahat ng manlalaro ng koponan ng Ginebra.
Kaantasan ng Pang - uri: https://brainly.ph/question/70151
Halimbawa ng Pahambing: https://brainly.ph/question/145004
Kahulugan ng Pang - uri: https://brainly.ph/question/1857553
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.