Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang gamit ng regadera,asarol,piko,pala,palakol,karet,bareta,itak,trowel at kalaykay???


pls.. answer


Sagot :

MGA KAGAMITAN SA PAGHAHALAMAN

Regadera

  • Ginagamit sa pagdidilig ng halaman upang hindi malanta.

Asarol

  • Ginagamit sa paghuhukay at pagdurog sa mga matigas na lupa upang maging mabuhaghag

Piko

  • Mainam sa pagdurog ng malaki at matigas na tipak ng lupa at paghuhukay ng mga ugat at malalaking bato

Pala

  • Ang pala ay ginagamit sa paghuhukay at pag-aayos ng lupang taniman. Maaari rin itong gamitin sa paghahalo ng lupa at dumi ng hayop o iba pang patabang organiko

Palakol

  • Ang palakol ay ginagamit sa paghugis, pagbiyak at pagputol ng kahoy

Karet

  • Ang karet ay ginagamit bilang pantabas ng damo o kaya panggapas sa anihan

Bareta

  • Ginagamit ito sa pagbunot ng malali na pako, yaong nanigas na sa katagalan

Itak

  • Ginagamit sa pagputol ng mga sanga at puno ng malalaking halaman.

Kalaykay

  • Ginagamit ang  kalaykay sa pagpatag ng lupa gayundin sa pag-aalis ng mga malalaking tipak ng lupa at bato na maaring sagabal sa lupang pagtatamnan. Ginagamit din ito sa pagtitipon ng kalat o mga dumi sa halamanan.

Karagdagang impormasyon:

Kagamitan sa paghahalaman

https://brainly.ph/question/31261

Halimbawa ng paghahalaman

https://brainly.ph/question/2096824

Ano ang paghahalaman?

https://brainly.ph/question/414384

#LetsStudy