Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

mga tamang pananaw tunkol sa kalayaan?


Sagot :

Ikaw ba ay Alipin o Malaya?

Ang terminong kalayaan ay tumutukoy sa kawalan ng pagdurusa at kamatayan na siyang umaalipin at nag-aalis ng kaligayahan sa tao. Hindi ito nagbibigay-katuturan nang kawalan ng limitasyon. Kailangan ng makatuwirang limitasyon upang maging malaya ang isa. Kapag sinusunod ang mga ito, napapalaya ang isa sa pagkaalipin. Ano ang ibig sabihin nito?

Dinisenyo Upang Kilalanin ang Limitasyon

Ang tao ay dinisenyo. Ang halimbawa nito ay:

  • ang kakayahang matulog upang magpahinga;
  • ang pangangailangang kumain upang lumusog.

Kung hindi matutulog ang tao o magpapahinga, magkakasakit siya at hindi na kikilos at mag-iisip ng mahusay. Apektado nito ang pamumuhay ng isa. Kung kakain naman ng sobra ang isa, magdudulot ito ng katabaan at karagdagang sakit dulot ng maling diet at nutrisyon. Ang pagtulog at pagkain ay mga iniligay na disenyo na may kasamang limitasyon. Kailangang patuloy na sundan ang limistayong iyon para mapanatili ang pisikal na kalusugan.

Totoo din ito sa emosyonal, moral at mental na kalagayan ng mga tao. Isa sa kalayaan na ibinigay sa tao ay ang pag-aasawa. Ngunit sinasabi ng ilan na upang maging malaya, nababalewala ang moralidad gaya ng pag-aasawa ng isang lalaki at ng isang babae. Gayundin ang pagtatalik pagkatapos ng kasal. Marami ang pumipili ng gawaing homosekswalidad o di kaya naman ay pre-marital sex upang bigyang-kahulugan ang kalayaan sa pagpili.

Pero malaya nga ba sila? Ang ilan sa kanila ay nakadarama ng hindi bababa sa isang kalagayan:

  1. Pagkadama ng kabiguan at pagdanas ng depresyon
  2. Kawalang-galang sa sarili
  3. Kawalan ng tiwala sa iba
  4. Pagkawasak ng pamilya
  5. Pagkakaroon ng nagtatagal na mga sakit
  6. Pagkabagbag ng budhi

Nais ng Lumikha sa iyo na maging maligaya ang iyong buhay. Kaya naman ang moral na mga pamantayan gaya ng sa pag-aasawa at sa seksuwal na kayarian ay ibinigay Niya bilang regalo na nakakapagbigay-dignidad sa tao.

Ang punto, nais nating maging malaya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga dinisenyo sa atin bilang nilalang. Mapapalaya ka sa anumang sakit, pagdurusa at maaagang kamatayan dahil sa pagsunod sa mga makatuwirang limitasyon.

May iba't-ibang mukha ang kalayaan, basahin ang ilan dito sa https://brainly.ph/question/968288.

May mahahalagang termino pa na maaaring makasama sa kahulugan ng kalayaan. Bigyang-pansin ito: https://brainly.ph/question/800871.

Basahin ang akrostik ng kalayaan sa https://brainly.ph/question/394514.

Karapatang mabuhay at gumawa ng ayon sa kanyang niloob

Explanation:

Sapagkat ang kalayaan ay makikita mo lamang kapag may ginawa ka na walang ibang taong humahadlang