IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/ ay magkaiba. Ang dalawang salita ay magkaiba dahil sa konsepto ng diin. Ang /SA:ka/ ay isang salita na tumutukoy sa kilos na kaugnay ng pagtatanim sa bukid. Sa kabilang banda, ang /sa:KA/ naman ay isang salita na ginagamit sa pagdadagdag ng impormasyon o detalye tungkol sa isang paksa.

Kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

Narito ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/.

  1. /SA:ka/ - tumutukoy sa kilos na kaugnay ng pagtatanim sa bukid
  2. /sa:KA/ - ginagamit sa pagdadagdag ng impormasyon o detalye tungkol sa isang paksa

Halimbawang Pangungusap gamit ang mga salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

  1. /SA:ka/ - Ang mga kalabaw ay tumutulong upang magsaka ng bigas at iba pang mga pananim.
  2. /sa:KA/ - Si Jamila ay mahilig sumayaw saka kumanta.

Kahulugan ng Diin

  • Ang dalawang salita ay magkaiba dahil sa konsepto ng diin.
  • Ang diin ay ang antas ng lakas ng pagbigkas ng partikular na bahagi ng salita.
  • Sa halimbawa sa itaas, ang diin sa salitang /SA:ka/ ay nasa bahaging "SA" at ang diin naman sa salitang /sa:KA/ ay nasa bahaging "KA".

Iyan ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Ano ang ibig sabihin ng tono, diin, haba? https://brainly.ph/question/271692   at https://brainly.ph/question/1136633
  • 10 halimbawa ng haba at diin: https://brainly.ph/question/1968795