Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Aspeto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay maaaring naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang. Ito ang tinatawag na aspeto ng pandiwa. Ito ang nagpapakita kung ang kilos ng pandiwa ay tapos na, kasalukuyang tinatapos, o tatapusin pa lamang. Bawat aspeto ay may palatandaan. Ito rin ay tintawag na panahunan ng pandiwa. Tumutukoy sa kung anong panahon ginawa ang kilos.
10 Halimbawa:
Pandiwa Naganap Nagaganap Magaganap
1. bigay nagbigay nagbibigay magbibigay
2. kain kumain kumakain kakain
3. dasal nagdasal nagdarasal magdarasal
4. guhit nagguhit nagguguhit magguguhit
5. habi naghabi naghahabi maghahabi
6. iwas umiwas umiiwas iiwas
7. lipat naglipat naglilipat maglilipat
8. luto nagluto nagluluto magluluto
9. tala nagtala nagtatala magtatala
10. usap nag - usap nag - uusap mag - uusap
Ano ang aspeto ng pandiwa: https://brainly.ph/question/73927
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.