Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Ang mga salik na nakaapekto sa suplay ay teknolohiya, dami ng nagtitinda, subsidy, kagastusan, panahon/klima, at ekspektasyon.
Ang mga salik na nakaapekto sa suplay ay teknolohiya, dami ng nagtitinda, subsidy, kagastusan, panahon/klima, at ekspektasyon. Tandaan na bukod sa presyo, iyan ang mga nakaapekto sa suplay. Naaapektuhan nila ang suplay kahit hindi nagbabago ang presyo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa suplay ay narito.
Karagdagang Detalye tungkol sa mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay
1) Teknolohiya
- Ang teknolohiya ang nagsasanhi ng mga makabagong pamamaraan upang makagawa ng mga suplay.
- Paano nakakaapekto ang teknolohiya sa suplay? Dahil sa teknolohiya, napapabilis ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
- Iyan ang paraan kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pagbabago ng suplay.
2) Dami ng Nagtitinda
- Kapag marami ang mga nagtitinda, mas marami ang suplay na maaaring pakinabangan ng mga mamimili.
3) Subsidy
- Ang subsidy ay ang tulong na binibigay ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyante upang tumaas ang suplay.
- Kapag may subsidy, nahihikayat ang mga negosyante na gumawa ng suplay.
4) Kagastusan
- Kapag tumaas ang kagastusan ng mga negosyante, maaaring bumaba ang suplay.
- Ang halimbawa ng mga kagastusan ay buwis, gastos sa transportasyon at sahod ng mga manggagawa.
5) Panahon/Klima
- Nakaapekto ang panahon/klima lalo na sa mga produktong pang-agrikultura.
- Halimbawa, kapag may bagyo, nasisira ang mga pananim kaya bumababa ang suplay ng mga prutas, gulay at bigas.
6) Ekspektasyon
- Kapag inaasahang tataas ang presyo dahil halimbawa sa mga pangyayari sa kapaligiran, ang mga prodyuser ay nagbabawas ng suplay.
Iyan ang mga detalye tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa suplay. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Ano ang ibig sabihin ng suplay? https://brainly.ph/question/423594 at https://brainly.ph/question/1756876
- Ano ang batas ng suplay? https://brainly.ph/question/431940
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.