IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula​

Sagot :

Answer:

Mahalagang pag aralan Ang pabula sapagakat bahagi ito ng ating panitikang pilipino.

Answer:

Dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula

Ang pabula ay kinapupulutan rin ng iba't ibang magagandang aral na maaring maisabuhay ng mambabasa. Ang mga aral na ito ay nagiging batayan sa kabutihan.

Ang pabula ay sumasalamin sa kultura, tradisyon at kaugalian ng isang bansa.

Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin.

Pabula

Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.

Ipinalalagay na nagsimula ang pabula sa bansang Greece kay Esopo (Aesop), na isang aliping Griyego.

Talambuhay ni Aesop: https://brainly.ph/question/551388

Nagsimulang sumikat ang mga pabula noong middle ages kaya naman bago matapos ang ikalabindalawang siglo, nailimbag na ang ilang mga koleksyon na naglalaman ng iba’t ibang estilo at daloy ng kwento ng mga pabula.

Halimbawa ng Pabula

Ang Aso at ang Uwak

Ang Kuneho at Pagong

Ang Matalinong Pagong at Matsing

Ang Leon at ang Daga  

Si Alitaptap at si Paruparo

Ang Buwaya at ang Pabo

Si Paruparo at Langgam

Ang Lobo at ang Kambing

Si Langgam at si Tipaklong

Ang Agila at ang Maya