Ang pagkapantay- pantay ay maraming epekto, iilan dito ay masama para sa iba at nakakabuti naman ito para sa iba. Kung walang batas sa paaralan at lahat tayo ay pantay-pantay, maari itong magresulta sa hindi pagkakaintindihan. Dahil ang bawat tao ay hindi nagkakatulad ng mga pangangailangan. Halimbawa na lamang sa isang pinagkakaguluhang pagkain sa canteen, ang iba ay nangangailangan ng marami dahil sila ay maaring kulang sa timbang o may iniindang karamdaman. Kung alam mo sa sarili mo na ang kaunting parte ay sapat na sayo, bakit ka magdadalawang isip na ibigay ito sa mas nangangailangan?