Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo at ano ang pagkapareho nito

Sagot :

Answer:

Produkto

Ang produkto ay mga bagay na inihanda, ginawa, o naiproseso para ibenta at magamit. Ang mga produkto ay maaaring nahahawakan, nakikita, naaamoy o natitikman. Halimbawa ng mga produkto ay alahas, pagkain, damit at iba pa.

Serbisyo

Ang serbisyo naman ay ang binabayarang gawain o tungkulin ng mga taong propesyonal o eksperto. Ang kanilang mga kaalaman ang ginagamit nila bilang mapagkakakitaan. Ito ay hindi nahahawakan, naitatago at hindi maaaring subukan bago bilihin. Halimbawa ng mga serbisyo ay pagluluto, pagmamasahe, pagtatahi ng damit at iba pa.