Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Katitikang pagpupulong​

Sagot :

Kahulugan ng Katitikan ng Pulong

Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of meeting sa wikang Ingles. Ito ay mga isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang piang-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag-uusap. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga pagpupulong na maaring isang pormal o opisyal. Ito rin ay magiging gabay ng hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng mga miyembro ng pulong. Nabubuo ito kapag isinusulat ng kalihim, sekretarya, typist o reporter o sino mang naatasan ang mga naganap sa isang pulong o pag-uusap.

Nakasaad sa Katitikan ng Pulong ang mga sumusunod:

Paksa

Petsa

Oras

Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong

Oras ng pagsisimula

Oras ng pagtatapos

Mga napag-usapan

Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong:

Paksa: Homeroom PTA Meeting

Petsa: Hunyo 20, 2020

Oras: 1:00 p.m.

Pook: Grade 2- Coral Reef Classroom

Oras ng Pagsimula: 1:00 p.m.

Oras ng Pagtatapos: 3:00 p.m.